Arestado ang dalawang indibidwal sa umano’y pagnanakaw ng isang loaded Pryce-branded LPG tank o Gasul na nagkakahalaga ng P2,500 sa Sitio Central, Barangay Libjo, Batangas City.
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-2:40 ng madaling-araw noong November 25, 2026. Ayon sa reklamo ng biktimang si @KEN, kinuha umano ng mga suspek ang kanyang LPG tank nang walang pahintulot at tumakas matapos ang insidente.
Sa tulong ng CCTV footage, natukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sina DARREL at JENN.
Nadakip ang dalawa sa follow-up operation ng mga pulis, barangay officials at tanod sa Barangay Cuta, Batangas City.
Dinala sila sa Batangas Component City Police Station dakong alas-2 ng hapon noong November 25 para sa documentation at imbestigasyon.
Gayunman, hindi na narekober ang nawawalang LPG tank mula sa mga naarestong suspek.
Nahaharap ang dalawa sa reklamong theft.