Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Rider, patay matapos bumangga sa isang tricycle sa Calaca City, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Patay ang driver ng isang motorcycle matapos sumalpok sa isang tricycle sa National Highway ng Barangay Dacanlao, City of Calaca, Batangas, alas-7 ng umaga nitong November 25, 2026.

Batay sa initial investigation ng Calaca City Police Station, parehong eastbound at patungong Lemery ang dalawang motorsiklo nang tangkaing mag-overtake ng motorsiklo at tumama ang harapan nito sa likurang bahagi ng tricycle na tatawid sana sa kabilang lane.

Isinugod sa Ospital ng Calaca ang driver ng motorsiklo na si Cyruz dahil sa tinamong injuries, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Kapwa nagtamo ng damage ang dalawang sasakyan, ngunit hindi pa matukoy ang halaga nito.

Nasa kustodiya naman ng Calaca Police Station ang driver ng tricycle na si Melvin habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. | BChannel news