Sa inilabas na datos ng Juan Miguel Zubiri, lumitaw na si Ronald dela Rosa ang may pinakamataas na absences sa Senado sa unang regular session ng ika-20 Kongreso.
Umabot sa 31 ang kanyang hindi pagdalo mula sa 58 session days, habang 27 beses lamang siyang nakapasok.
Ayon sa ulat, nagsimula ang kanyang sunod-sunod na pagliban noong Nobyembre 2025 kasunod ng mga isyung may kaugnayan sa imbestigasyon ng International Criminal Court. Kaugnay nito, may ilang grupo na nanawagan ng posibleng aksyon gaya ng salary suspension at ethics complaint.
Sumunod sa listahan ng may pinakamaraming absences si Camille Villar na may 16 dahil sa maternity leave, habang si Alan Peter Cayetano ay may 14 na absences at ilang late records.
Samantala, may ilang senador na nakapagtala ng perpektong attendance, kabilang sina Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Vicente Sotto III, at Joel Villanueva.