Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Best

Beachfront stay sa Calatagan, Batangas, patok sa unique glamping experience

Nanatiling patok ang Glamp Vans Beach Front sa Calatagan, Batangas dahil sa kakaibang beach stay na pinagsasama ang comfort at nature experience, na dinarayo ng barkada at pamilya lalo na ngayong summer season.

Matatagpuan ito mismo sa tabing-dagat kaya kitang-kita ang sunrise at sunset, habang tahimik at hindi matao ang paligid—kaya swak ito sa mga naghahanap ng pahinga mula sa ingay ng siyudad. Dahil beachfront ang pwesto, parang front row seat ang mga bisita sa tanawin ng dagat habang nagpapahinga o nagso-soundtrip.

Tampok sa lugar ang kanilang container van-style cabins na fully air-conditioned, may private beach access, at second-floor viewing deck kung saan puwedeng kumain o mag-relax habang tinatanaw ang dagat.

Pinapayagan din ang mga bisita na magdala ng sariling pagkain, kaya puwedeng magluto onsite gamit ang available na kitchen at malalaking griller, bagay sa mga gustong makatipid o mag-bonding habang nagluluto.

May available ding basic amenities gaya ng restroom, parking area, Wi-Fi, at libreng paggamit ng kayak, kahit inaasahan na medyo mahina ang mobile signal sa lugar dahil sa lokasyon nito.

Kapansin-pansin din ang kanilang advocacy dahil marami silang rescued dogs na inaalagaan, patunay na pet advocates ang mga may-ari ng resort.

Sa pagtungo ng Balisong Channel Team, ramdam ang pagiging approachable at accommodating ng kanilang staff, kabilang si Kuya Nilo, na agad tumutulong sa pangangailangan ng guests.

Para sa booking, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang Facebook page na https://www.facebook.com/batangasglampvans o tumawag sa 09985670679 at landline na (043) 727 9505.

Sa kabila ng pagiging simple at hindi luxury resort, pinipili ito ng mga bisita dahil sa relaxing na ambience, preskong hangin, at pagkakataong makapag-disconnect mula sa araw-araw na stress sa city life. | #BCBrandLab