Tinatayang aabot sa P56.3 billion pesos na potential investments ang nakuha ni President Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa ilang Japanese companies matapos ang serye ng meetings sa Japan nitong May 28.
Sa pinakaunang ulat, tinalakay ang mga posibleng proyekto na tututok sa shipbuilding, electronics manufacturing, semiconductors, at artificial intelligence sa Pilipinas. Kabilang sa mga nakipag-usap kay Marcos ang Tsuneishi Group, Furukawa Electric, Sumitomo Electric Industries, at MinebeaMitsumi Inc.
Ayon sa Tsuneishi Group, plano nilang palawakin ang shipbuilding operations sa Cebu na maaaring maglagay sa Pilipinas bilang ika-apat na pinakamalaking shipbuilding country sa mundo. Samantala, ang Furukawa Electric ay nagpresenta ng expansion para sa advanced heat sink modules at thermal management products para sa electronics at digital systems.
Naglatag naman ang Sumitomo Electric Industries ng P4.3 billion expansion project para sa electronics manufacturing. Habang ang MinebeaMitsumi ay nagbahagi ng ongoing at future investments sa semiconductors, battery components, at precision manufacturing sa Cebu.
Kapag natuloy, inaasahang makakalikha ito ng 10,000 hanggang 300,000 jobs sa bansa.
Nakipagpulong din ang Pangulo sa Nippon Foundation kung saan tinalakay ang patuloy na suporta sa maritime training, scholarships, at peacebuilding programs para sa mga Pilipino.