Opens in a new tab
Skip to content
Technology

Lalaki, Arestado Matapos ilusong ang Tesla Cybertruck sa Lawa

Arestado ang isang lalaki sa Texas matapos niyang sadyang ipasok ang kanyang Tesla Cybertruck sa isang lawa para subukan ang tinatawag na “Wade Mode” ng sasakyan.

Ayon sa pulisya, sinabi mismo ng driver na gusto niyang gamitin ang feature na kayang dumaan sa mababaw na tubig. Pero habang nasa lawa, tumirik ang sasakyan at pinasok ng tubig kaya kinailangang iwan ito ng mga sakay.

Narekober ang bahagyang lumubog na Cybertruck sa tulong ng rescue team. Nahaharap naman sa mga kasong may kaugnayan sa pagpasok ng sasakyan sa ipinagbabawal na bahagi ng lawa at paglabag sa water safety rules ang driver.

Paalala ng mga awtoridad, kahit may kakayahan ang isang sasakyan na dumaan sa tubig, maaari pa rin itong magdulot ng panganib at problema. Ayon din sa Tesla, responsibilidad ng driver na tiyakin ang lalim ng tubig bago pumasok dito.