Opens in a new tab
Skip to content
National

Malacañang, tinanggap ang resignation ni DICT Secretary Henry Aguda

Tinanggap na ng Malacañang ang resignation ni Department of Information and Communications Technology o DICT Secretary Henry Aguda, ayon kay Ombudsman Boying Remulla.

Nauna nang itinanggi ni Aguda ang mga ulat na nagbitiw siya o pinagbitiw sa puwesto. Sa kaniyang pahayag, sinabi niyang nakatuon pa rin siya sa kaniyang mga tungkulin at sa pagpapatuloy ng mga programa ng ahensiya.

Binigyang-diin din niya ang papel ng Pilipinas bilang host ng ASEAN ngayong taon, kabilang ang ASEAN AI MSME event na nakatuon sa artificial intelligence at micro, small, and medium enterprises.

Kasabay ng mga ulat tungkol sa kaniyang pagbibitiw ang muling pag-usad ng imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y “Ghost Internet Projects.” Kabilang dito ang mga proyekto para sa libreng internet sa malalayong lugar na iniulat na may kaugnayan sa substandard at overpriced na information technology hardware at software.

Nakatanggap din ng batikos si Aguda matapos niyang harangin ang operasyon sa bansa ng Discord, isang application na ginagamit ng remote workers, online communities, at gamers.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, sinabi ni Aguda na kinikilala niya ang kapangyarihan ng Pangulo na magpasya sa mga miyembro ng kaniyang Gabinete.

Wala pang pahayag si Aguda ukol sa dahilan ng kaniyang pagbibitiw. | BChannel news