Opens in a new tab
Skip to content
News

9 arestado sa Cavite buy-bust, iba’t ibang droga nasabat

Siyam na katao ang naaresto sa Imus City, Cavite matapos ang buy-bust operation ng PDEA at pulisya sa Barangay Buhay na Tubig noong June 5 ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang mga suspek matapos ang bentahan ng ilegal na droga, na nauwi sa pagkakasamsam ng iba’t ibang uri ng substances.

Kabilang sa narekober ang 181 ecstasy capsules, hinihinalang shabu at cocaine, liquid ecstasy, at vape cartridges na may liquid marijuana, pati na mga cellphone at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.