Pitong elementary students ang nasugatan matapos ang pananaksak sa loob ng isang pribadong paaralan sa Barangay Sta. Clara sa General Trias City, Cavite noong June 16.

Ayon sa mga awtoridad, isang 14-anyos na Grade 8 student ang umano’y pumasok sa isang Grade 5 classroom at sinaksak ang ilang mag-aaral gamit ang kitchen knife. Nagtamo ng seryosong sugat ang mga biktima ngunit nasa stable condition na ang kanilang kalagayan ayon sa imbestigasyon.
Lumalabas sa paunang ulat na nagaganap ang isang meeting ng mga guro nang mangyari ang insidente kaya pansamantalang walang bantay ang silid-aralan.
Napigilan lamang ang suspek nang makita siya ng isang guro na may hawak pa ring patalim. Inutusan umano siyang ibaba ang kutsilyo bago siya agad na naawat.
Inatasan na rin ni Nartatez ang Cavite Provincial Police Office at Police Regional Office 4A na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nangyari. Kasabay nito, pinag-utos din ang mas mataas na police visibility sa loob at paligid ng mga paaralan upang makatulong sa pag-iwas sa kahalintulad na insidente.
Samantala, isinailalim na sa medical at psychological evaluation ang menor de edad na suspek matapos itong i-turn over sa local social welfare office. Patuloy ding inaalam ng mga awtoridad kung paano naipasok ang patalim sa loob ng school premises.