Mahigit ₱3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang buy-bust operation sa Naic, Cavite kung saan naaresto ang dalawang drug suspects.
Kinilala ang mga suspek na sina Larry, 57 anyos, at Elwood, 27 anyos matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay Halang noong June 18.
Ayon sa PDEA CALABARZON, nasa 500 gramo ng shabu ang narekober, kabilang ang isang bahagi na ibinenta at iba pang nakaimbak sa mga plastic bag. Nakuha rin ang marked money at cellphone bilang ebidensya.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act, kabilang ang illegal sale at conspiracy. | BChannel news