Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers na naglalayong palakasin ang suporta at benepisyo para sa mga barangay health worker o BHWs.
Sa ilalim ng panukala, makatatanggap ang mga rehistradong BHW ng hindi bababa sa P3,000 buwanang benepisyo. Maaari rin silang mabigyan ng transportation allowance, hazard pay, insurance, legal assistance, mental health services, at iba pang insentibo.
Kasama rin sa panukala ang paglikha ng mga training program, scholarship, at pagkakataong makapasok sa mga government plantilla position.
Itatakda rin ang Abril 7 bilang Barangay Health Workers Day bilang pagkilala sa kanilang naging papel sa paghahatid ng pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.
Ayon sa mga senador na sumuporta sa panukala, mahalagang kilalanin at suportahan ang mga BHW dahil sila ang isa sa mga pangunahing katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng healthcare programs, lalo na sa mga barangay at liblib na lugar. | BChannel news