Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Magnitude 5.8 na Lindol, Yumanig sa Occidental Mindoro; Naramdaman sa Batangas

Isang magnitude 5.8 na lindol ang naitala ng PHIVOLCS ngayong alas-10:38 ng umaga sa bahagi ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Naitala ang sentro nito 21 kilometro South West ng Mamburao, Occidental Mindoro, na may lalim na 10 kilometro. Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naramdaman ang Intensity V sa Mamburao, Occidental Mindoro at sa City of Calapan, Naujan, Puerto Galera, San Teodoro, at Victoria sa Oriental Mindoro. Umabot naman sa Intensity IV ang pagyanig sa Taal, Batangas, gayundin sa Abra De Ilog at Sablayan, Occidental Mindoro.

Naitala rin ang Intensity III sa Quezon City, Batangas City, City of General Trias, Cavite, at City of San Pedro, Laguna, habang Intensity II naman sa City of Parañaque, Santa Cruz, Laguna, at Guinayangan, Quezon.

Kalaunan, naglabas din ang PHIVOLCS kung saan ibinaba sa magnitude 5.4 ang naturang lindol na may lalim na 14 kilometro. Ayon sa ahensya, inaasahan ang mga aftershock kaya pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng mga awtoridad. | BChannel news