Opens in a new tab
Skip to content
Local

Lalaki, Sugatan sa Pamamaril Dahil sa Umano’y Alitan sa Utang sa Biñan

crime scene do not cross signage

Isang 41-anyos na lalaki ang sugatan matapos pagbabarilin sa P. Burgos Street, Barangay Sto. Domingo, Biñan City, Laguna madaling araw ng Agosto 7.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagtungo umano ang biktimang si Ricardo sa lugar upang makipagkita sa isang lalaking may kinalaman sa usapin ng utang. Ngunit sa halip na pag-uusap, bigla umanong nagpaputok ng baril ang suspek na kilala bilang “Saddam.”

Agad na isinugod sa Ospital ng Biñan ang biktima at nasa stable condition na ngayon.

Samantala, nakatakas ang suspek at patuloy na pinaghahanap ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. | BChannel News