Nakapagtala ang Department of Health o DOH ng 3,440 kaso ng leptospirosis sa bansa ngayong 2026, batay sa datos hanggang Agosto 8.
Bagama’t mas mababa ito ng 35 percent kumpara sa 5,318 kaso noong kaparehong panahon noong 2025, tumaas naman ang mga bagong kaso nitong mga nakaraang linggo.
Mula 275 kaso noong June 28 hanggang July 11, umakyat ito sa 348 kaso mula July 12 hanggang 25.
Nagbabala ang DOH na posibleng madagdagan pa ang kaso dahil sa malawakang pagbaha at tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.
Paalala ng DOH, iwasang lumusong sa baha kung maaari, lalo na kung may sugat sa balat, dahil maaaring makuha ang leptospirosis mula sa kontaminadong tubig.
Samantala, sinabi ng DOH na operational ang mga health facility at sapat ang medical supplies para sa mga nangangailangan ng gamutan.