Opens in a new tab
Skip to content
Local

₱25.4-m superlotto jackpot, nasungkit ng isang mananaya sa Cavite

May bagong instant milyonaryo matapos masungkit ng isang mananaya ang jackpot ng SuperLotto 6/49 sa isinagawang draw nitong Linggo, Agosto 23.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, umabot sa ₱25,413,563.73 ang jackpot na napanalunan ng isang ticket matapos makuha ang lahat ng anim na winning numbers na 47-20-36-43-07-06.

Ang winning ticket ay nabenta sa Cavite.

Samantala, wala namang nakakuha sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58. Ang winning combination nito ay 43-34-29-05-41-33.

Dahil walang nakatama sa lahat ng anim na numero, nananatili sa ₱232.61 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58.

Tatlong beses kada linggo isinasagawa ang draw ng Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo, habang ang SuperLotto 6/49 naman ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.