Naglaan ang Department of Budget and Management o DBM ng P1 billion para sa University of the Philippines System para palakasin ang Project NOAH at ang paggamit nito ng AI sa flood forecasting at real-time hazard monitoring.
Layunin ng pondo na mas mapabilis ang pagtukoy sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng baha at iba pang hazards, para mas makapaghanda ang mga komunidad at local government units bago dumating ang sakuna.
Sa kabuuang pondo, P935 million ang para sa research services habang P65 million naman ang para sa management at supervision.
Gagamitin din ito sa pagbili ng technical at scientific equipment, information systems, at pagkuha ng specialized personnel.
Ayon sa DBM, bahagi ito ng mas maagang disaster preparedness, gamit ang science, data at AI, para mabawasan ang posibleng epekto ng bagyo at malakas na ulan. | BChannel News