Opens in a new tab
Skip to content
Calamity

El Niño posibleng magdulot ng mas matinding tagtuyot hanggang 2027

Mas matinding init at kakulangan sa ulan ang posibleng maranasan sa Pilipinas dahil inaasahang lalakas pa ang kasalukuyang Strong El Niño.

Ayon sa PAGASA, maaaring maging Very Strong El Niño ang climate phenomenon mula September hanggang December 2026, at posibleng magpatuloy hanggang first half ng 2027.

Kabilang sa posibleng epekto ang below-normal rainfall, dry spells, drought at kakulangan sa water supply, na maaaring makaapekto sa agriculture, food supply, energy production, public health at economy.

Pero kahit mas tuyo ang kondisyon, posible pa rin ang biglaang malalakas na ulan dahil sa Habagat at tropical cyclones, lalo na sa western parts ng bansa.

Hinimok ng PAGASA ang government agencies at publiko na maghanda, magtipid ng tubig at gumamit ng climate data sa pagpaplano.