Opens in a new tab
Skip to content
National

COMELEC, muling bubuksan ang voter registration sa second week ng November 2026

Magandang balita para sa mga hindi pa rehistradong botante at sa mga kailangang mag-update ng kanilang voter records.

Muling bubuksan ng Commission on Elections o COMELEC ang voter registration sa second week ng November 2026, kasunod ng pagbabago sa schedule ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326, na nagtakda ng five-year term para sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Dahil dito, hindi na matutuloy ang Barangay at SK Elections na nakatakda sanang November 2, 2026. Ang susunod na regular elections ay itinakda sa November 13, 2028.

Kasama rin sa mga nakanselang election activities ang Filing of Certificates of Candidacy mula September 28 hanggang October 5, 2026, pati ang iba pang election-related prohibitions at ang election period na dapat magsimula sa October 3, 2026.

Muling magbubukas ang voter registration sa second week ng November 2026, ayon sa anunsyo ng COMELEC. | BChannel News