Marami nang nagawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mahigit apat na taon sa puwesto, ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Isa sa ipinagmamalaki umano ng Pangulo ang pag-abot ng Pilipinas sa upper-middle-income status, na matagal nang minimithi ng bansa.
Ayon kay Castro, naabot ito dahil sa pagsisikap ng Pangulo at ng gobyerno.
Pero nilinaw niya na hindi ibig sabihin nito ay pare-pareho nang nararanasan ng lahat ng Pilipino ang economic progress.
Kabilang din sa binanggit niyang accomplishments ang gains sa trade, fertilizer supply para sa farmers kahit may Middle East crisis, affordable housing, zero-balance billing sa hospitals, improvements sa transportation system, at pagprotekta sa interes ng bansa.
Giit ni Castro, marami pa ring dapat ayusin at gamitin ang mga progreso bilang pundasyon para mas mapabuti ang buhay ng mga Pilipino at mapalakas ang business sector.