Opens in a new tab
Skip to content
Calamity

Palasyo, nagpaalala na maghanda sa el niño, pero iwasan ang water hoarding

Hindi kailangan ng publiko na mag-hoard ng mineral water o mag-ipon agad ng maraming tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El Niño.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro nitong October 1, hindi pa umano nararanasan ang tagtuyot kaya maaari ring masayang ang tubig na iipunin ngayon.

Aniya, mahalaga ang paghahanda pero dapat gawin ito sa tamang panahon para maiwasan ang panic sa publiko.

Sinabi rin ni Castro na hindi naman mawawalan ng inuming tubig ang bansa dahil nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang epekto ng El Niño sa pamamagitan ng El Niño Task Force na binuo noong 2024.

Samantala, ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang mararanasan ang “very strong” El Niño hanggang December ngayong taon at sa first half ng 2027.

Paalala ng Palasyo, maghanda pero huwag mag-panic at mag-hoard ng tubig.