Hindi lamang sa paghahatid ng balita at impormasyon ipinagdiwang ng Balisong Channel ang kanilang ika-7 anibersaryo. Pinili rin ng organization na isama sa selebrasyon ang pagtulong sa Aeta community sa Barangay Puting Kahoy, Rosario, Batangas.
Isinagawa nitong October 3, 2026 ang outreach program ng Balisong Channel para sa mahigit 150 Aeta families na naging beneficiaries ng community activity.
Namahagi ang grupo ng grocery packs, hygiene kits, gamot at vitamins, pati tinapay para sa mga bata. Layunin ng programa na makapaghatid ng tulong sa komunidad bilang bahagi ng selebrasyon ng pitong taon ng Balisong Channel sa paghahatid ng mga balita, impormasyon at iba’t ibang programa.
Ayon sa Balisong Channel, Aeta community ang napiling beneficiary bilang pakikiisa rin sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Katutubong Pilipino ngayong Oktubre.
Bukod sa mahigit 150 pamilya, naging bahagi rin ng outreach ang mga batang Aeta na nabigyan ng mga food items at iba pang ipinamahaging tulong.
Naging posible ang programa sa pamamagitan ng partnership at suporta ng iba’t ibang organizations at negosyo.
Kabilang sa sponsors ang PCCI Metro Batangas, PCCI Lipa, Shooting Star Trading, Batangas Crown Lions Club, Wennrod Hotel, D’Mariners Hotel, Mariz Home Cooked Food, Julies Bakeshop, Eagles, Pomona Pharmaceutical Distribution at Barangay Puting Kahoy.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Balisong Channel kina Wennie & Dante Bico and Family, Marites Jumarang, Joann & Van Marabe, Agnes & Segundo Binay, Mariz Caniete, Rassel Joyce & Jherald Espeleta, Janine & Edwin Mendoza, Marilou Cuasay, Ellen Lumanglas, Ar. Jesson Bayer, Ey Ey Adorna, Rea & Dindo Medina, Engr. Venus Macuha, Pauline Macuha, Vivian & Abet Molinyawe, Jeanette & Noel Bico, at Melanie & Roy Basa.
Kabilang din sa mga tumulong sina Elma Ebora at Rowel Gamab, Barangay ng Putingkahoy, gayundin ang Andoks Gulod Labac Branch.
Sa naging outreach, bakas sa mga benepisyaryo ang kanilang ngiti at saya habang tinatanggap ang mga ipinamahaging tulong. Nagpaabot din sila ng pasasalamat sa Balisong Channel at sa mga indibidwal, grupo at negosyo na naging bahagi ng programa.