
Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa isasagawang plebisito para sa bayan ng Calaca Batangas upang gawin itong component city ngayong Sabado, ayon sa pahayag ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa isang panayam KAHAPON.
Idinagdag niya na ang lahat ng mga manggagawa sa botohan para sa lahat ng clustered precincts ay mananatiling nakatutok upang bantayan ang mga botante.
Naglaan ang local government unit (LGU) ng Calaca ng budget na PHP13.7 milyon para sa plebisito.
May kabuuang 58,881 opisyal na balota ang gagamitin sa naturang plebisito.
Bawat balota ay may katanungan na “Pumapayag ka ba na ang lungsod ng Calaca ay gawing isang lungsod ng probinsiya ng Batangas na kikilalanin bilang lungsod ng Calaca alinsunod sa Batas Republika bilang 11544 na kilala din bilang Charter of the City ng Calaca?
Isusulat ng mga botante ang “Oo” para bumoto para sa pag-apruba ng panukala, o “Hindi” para bumoto naman sa pagtanggi nito, sa papel.
Sa kasalukuyan si Mayor Nas Ona ang alkalde ng naturang bayan.