Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Aso, kinaladkad umano ng tricycle sa Bauan-San Pascual, Batangas

Isang aso ang kinaladkad umano ng isang tricycle habang umaandar sa kalsada sa Bauan-San Pascual, Batangas.

Sa video na kumakalat online, makikita ang aso na nakatali sa tricycle habang umaandar ang sasakyan. Makikitang nahihirapan ang aso at tila nasa distress habang hinihila sa kalsada.

Ayon sa nagbahagi ng video, may witness na nagtangkang pahintuin ang driver, pero hindi umano ito tumigil.

Hindi naman nakuha ang plate number ng tricycle kaya nananawagan ngayon ng tulong ang mga concerned animal advocates para matukoy ang driver at makilala ang sasakyang sangkot sa insidente.

May inilaan ding P5,000 reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa pagkilala sa driver.

May ilang netizens din na nag-alok ng P2,000 para sa makapagbibigay ng impormasyon na maaaring makatulong sa Animal Kingdom Foundation sa posibleng pagsasampa ng kaso.

Ayon sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act, ipinagbabawal ang pagmamaltrato, pagpapabaya at pananakit sa mga hayop.

Kapag namatay ang hayop dahil sa naturang pagmamaltrato, nakasaad sa batas ang parusang 1 year, 6 months and 1 day hanggang 2 years na pagkakakulong, at multa na hindi lalampas sa P100,000.

Patuloy ang panawagan para sa anumang impormasyon na makatutulong sa pagkilala sa driver at pag-iimbestiga sa insidente. | BChannel news