Opens in a new tab
Skip to content
Community

Cardinal Tagle, mangunguna sa misa sa Vatican habang nagpapagaling si Pope Leo XIV

Pangungunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Banal na Misa sa St. Peter’s Square sa Vatican ngayong Oktubre 14, habang nagpapagaling si Pope Leo the Fourteenth matapos operahan dahil sa lung cancer.

Ayon sa Vatican, matagumpay na naalis ang ibabang bahagi ng kanang baga ng Santo Papa noong Oktubre 13. Natukoy sa tissue examination ang lung adenocarcinoma, at wala namang naiulat na komplikasyon.

Inaasahang mananatili siya sa Gemelli Hospital sa Rome nang humigit-kumulang isang linggo, habang kanselado ang kanyang public activities hanggang Oktubre 20.

Samantala, si Cardinal Tagle, na kauna-unahang Pilipinong Dean of the College of Cardinals matapos maaprubahan ang kanyang pagkakahalal noong Oktubre 9, ay mangunguna rin sa panalanging nakalaan para sa kalusugan ng Santo Papa at sa mga pamilya. | Photo: Grzegorz Galazka / Mondadori Portfolio via Getty Images file