Opens in a new tab
Skip to content
Local

5 lalaki, arestado sa umano’y lungga ng ilegal na droga sa Bacoor City, Cavite – PDEA 4A

Limang indibidwal ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA matapos ang isang buy-bust operation na nauwi sa pagkakabuwag ng isang suspected drug den sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa PDEA Regional Office 4A, isinagawa ang operasyon ng Special Enforcement Team 2 bandang alas-7:30 ng gabi nitong October 28, 2026.

Kinilala ang mga naaresto sa kanilang mga alyas na Rommel, Jeff, Francis, Raymond, at Jetro.

Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 16 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P108,800.00 , kasama ang ilang drug paraphernalia at buy-bust money.

Nahaharap ang limang suspek sa iba’t ibang kaso sa ilalim ng Sections 5, 6, 7, 11, 12, at 15 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kabilang sa mga posibleng paglabag ang illegal sale at possession ng dangerous drugs, maintenance ng drug den, at paggamit ng ilegal na droga.