Opens in a new tab
Skip to content
Calamity

Mayon volcano, itinaas sa Alert level 3 matapos sumabog; 6-kilometer danger zone, pinae-evacuate

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng mas mapanganib na volcanic activity sa Mayon Volcano matapos itaas sa Alert Level 3 ang status nito ngayong Biyernes, October 30, kasunod ng moderately explosive eruption.

Nagsimula ang pagsabog alas-11:53 ng umaga at nagtapos alas-11:59, na tumagal nang halos anim na minuto. Nagbuga ito ng makapal na grayish ash plume na umabot sa 3,000 meters above the summit crater at tinangay ng hangin patungong west-southwest.

Posibleng makaranas ng ashfall ang Daraga, Camalig, Guinobatan at mga karatig-bayan sa Albay, partikular sa south side ng bulkan batay sa kasalukuyang wind pattern.

Ayon sa PHIVOLCS, nangangahulugan ang Alert Level 3 na nasa bagong phase ng magmatic eruption ang Mayon, kung saan mas mataas ang posibilidad ng lava flows at mapanganib na pyroclastic density currents o uson sa upper hanggang middle slopes nito sa mga susunod na araw o linggo.

Dahil dito, inirerekomenda ang evacuation sa loob ng six-kilometer Permanent Danger Zone o PDZ dahil sa banta ng uson, lava flows, rockfalls at iba pang volcanic hazards.

Pinag-iingat din ang publiko sa posibleng lahar at sediment-laden streamflows, habang pinapayuhan ang mga piloto na umiwas sa paglipad malapit sa summit ng bulkan dahil sa panganib ng volcanic ash sa aircraft.

Patuloy namang mino-monitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon at maglalabas ng karagdagang abiso kung kinakailangan.