Coral bleaching, pagdami ng Crown-of-Thorns Starfish at mga ilegal na paraan ng pangingisda ang ilan sa mga problemang pagtutuunan ng 15 coastal local government units o LGUs sa Batangas para mapangalagaan ang yamang-dagat ng lalawigan.
Kabilang din sa mga tinalakay ang Seasonal Fisheries Closure, pagbabawal sa paggamit ng fine mesh nets at delineation ng municipal waters ng siyam na natitirang coastal LGUs.
Napag-usapan ang mga hakbang na ito sa 4th Quarterly Joint Meeting ng Batangas Marine Protected Area Network o BMPAN at Batangas Bantay Dagat Network o BBDN na ginanap noong November 19, 2026, sa Lobo, Batangas.
Kasama rin sa agenda ang paghahanda ng Marine Protected Area Management Plans sa Taal, San Luis at Tingloy, habang ia-update naman ang mga plano ng Mabini, Lemery, Lobo, San Juan at Balayan.
Tinalakay rin ang epekto ng El Niño sa suplay ng tubig, insurance para sa Bantay Dagat personnel at panukalang Certificate of No Objection para sa marine survey ng Batangas-Mindoro 500-kV Interconnection and Backbone Project.
Dinaluhan ang pulong ng mga Bantay Dagat coordinators, MPA representatives at iba pang opisyal mula sa 15 coastal LGUs, kasama ang national government agencies at environmental organizations.
Nagsagawa rin ng field visit sa oyster farm at mangrove protected area sa Barangay Olo-olo, Lobo upang makita ang mga lokal na hakbang sa pangangalaga ng yamang-dagat.