Nalunod ang isang 52-taong gulang na magsasaka sa Pandanan River, Barangay Patihan, nitong hapon ng Enero 21, 2025.
Kinilala ang biktima na si alyas Roberto, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa Calauag Police, bandang alas-2:30 ng hapon nang magdesisyon ang biktima na maligo sa ilog subalit habang siya’y lumalangoy, hindi na ito muling lumutang pa.
Agad nagsagawa ng paghahanap ang mga naroon at natagpuan ang katawan ng biktima. Dinala siya sa Hospital ngunit idineklarang Dead on Arrival.