Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sisimulan na sa Setyembre ang Phase 1 ng New Naga Airport Development Project.
Layon ng proyekto ang pagtatayo ng isang modernong paliparan na maaaring mag-operate araw at gabi, alinsunod sa international aviation standards. Inaasahang makikinabang dito ang buong Bicol Region.
Bahagi ito ng “Build Better More” program ng administrasyong Marcos na naglalayong pagandahin ang mga paliparan sa bansa. | BChannel NEWS
 
         
         
        