Bumaba sa 2.03 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Mayo 2025, mula sa 2.06 milyon noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sa pinakahuling Labor Force Survey, iniulat ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa na bumaba rin ang unemployment rate sa 3.9%, kumpara sa 4.1% noong nakaraang buwan at kaparehong panahon noong 2024.
Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga nagtatrabahong Pilipino na nasa edad 15 pataas sa 52.32 milyon ngayong Mayo, mula sa 50.74 milyon noong Abril at 50.97 milyon noong nakaraang taon. | BChannel NEWS