Dalawang Japanese nationals ang napatay sa Malate, Manila noong August 15, matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem pagkalabas nila ng taxi.
Ayon sa Japanese Embassy, nangyari ang insidente noong Biyernes ng gabi at ang mga biktima ay ninakawan ng mga suspek.
Pagkatapos ng krimen, tumakas ang mga salarin gamit ang isang motorsiklo.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Japanese Embassy sa mga pamilya ng mga biktima at tiniyak ang kanilang koordinasyon sa mga awtoridad ng Pilipinas.
Sa ngayon, inilunsad na ng Manila Police District (MPD) ang follow-up investigation at bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) para tutukan ang kaso.
Ayon sa MPD, may mga persons of interest na silang inaalam na may koneksyon sa pamamaril. | BChannel NEWS