Naghihinagpis ang magulang ng isang estudyante matapos masawi at makuryente ng isang nakasabit na kable sa Mambago-B National High School sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte, noong Miyerkules, Agosto 20.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jannah, 14-anyos habang ang kasama nito ay si Gayhan, isang 15-taong gulang na mag-aaral, ay patuloy na ginagamot sa Davao Regional Medical Center (DRMC).
Ayon sa salaysay ni Gayhan, habang sila ay naglalaro, nadaanan nila ang isang live wire na nakakabit sa mga poste ng Northern Davao Electric Cooperative o NORDECO, kaya sila’y nakuryente.
Agad silang dinala sa ospital, ngunit pumanaw si Jannah bandang alas-5:39 ng hapon.
Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng nasawi at patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasilidad, kabilang ang inspeksyon ng mga kable at safety drills sa mga paaralan.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng PNP ang insidente. | via BChannel NEWS