Mas naging makulay ang selebrasyon ng Buwan ng Wika sa Our Lady of Peace Academy sa Tuy, Batangas matapos personal na dumalo si Batangas 1st District Congressman Leandro Legarda Leviste upang mamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Senior High School ngayong Biyernes, August 29.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Cong. Leviste ang kanyang panukala na layong palawakin ang sakop ng educational assistance.
Aniya, kapag malinaw na ang plano at nakalatag na ang budget mula sa Department of Education, posible nang mabigyan ng tulong hindi lamang ang mga estudyante sa public schools kundi pati na rin sa private schools.
Dagdag pa ng kongresista, may nakalaan ding subsidies at assistance para sa mga guro, kapwa sa public at private schools.
Ipinahayag din niya ang kanyang hangarin na maging top-performing schools sa buong bansa ang mga paaralan sa unang distrito ng Batangas.
Magugunitang naghain ng panukala si Leviste ng House Bill No. 27 o “An Act Establishing a National Student Allowance Program,” na bahagi ng kanyang adbokasiyang pagtibayin ang suporta para sa edukasyon ng bawat kabataang Pilipino. | BChannel NEWS | A.Simara-Contributor