Dalawang tao ang naaresto sa Taytay, Rizal dahil sa umano’y pagtatangkang magsuhol para bawiin ang affidavit laban sa mga suspek sa missing sabungeros case.
Ayon sa CIDG, nahuli sila sa isang entrapment operation noong Septiembre 15 sa Barangay Dolores.
Sinasabing nag-alok ang dalawa ng malaking pera para i-withdraw ang affidavit laban sa ilang key personalities sa kaso. Pinaiimbestigahan na ito ng PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at tiniyak na kakasuhan ang mga suspek.
Ngayon, nasa kustodiya ng CIDG ang dalawa at nahaharap sa kasong grave coercion at obstruction of justice.
Ang kaso ay kaugnay sa multiple murder at serious illegal detention complaint na isinampa laban kay Atong Ang matapos ituro siya ng whistleblower bilang mastermind sa pagkawala ng mga sabungero. | BChannel News