Nadiskubre ng National Bureau of Investigation na pito hanggang walo sa Top 15 contractors na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos ay may magkakaparehong board of directors—patunay umano ng dayaan sa bidding ng flood control projects.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kabilang sa kanilang initial report na isusumite sa Department of Justice ang mga pangalan ng ilang opisyal ng DPWH at contractors na posibleng kasuhan.
Bagamat hindi pa inilalantad ang mga pangalan, kumpiyansa si Santiago na may mga maanomalyang proyekto sa Mindoro at Bulacan, at tiniyak na posibleng mabawi ang mga perang ninakaw.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa SEC at Anti-Money Laundering Council para sa mas malalim na imbestigasyon. Target ng ahensya na makapaghain ng kaso sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.