Himas-rehas ang isang lalaki na kilala bilang Renz sa buy-bust operation noong gabi ng Setyembre 16 sa Barangay Banga sa Talisay, Batangas.
Ayon sa Talisay Police Station, nasamsam sa kanya ang higit o kulang 7 gramo ng pinaghihinalaang marijuana fruiting tops na nagkakahalaga ng halos walong daan at apatnapung piso.
Nakuha rin ang limang daang pisong buy-bust money, maliit na coin purse, glass tube pipe, at isang cellphone.
Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipag-coordinate sa PDEA at ginamitan ng dalawang Alternative Recording Device. Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang iniimbestigahan ang kaso. | BChannel News