Ipina-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee si Curlee Discaya matapos umanong magsinungaling tungkol sa dahilan ng pagliban ng kanyang asawang si Sarah Discaya sa flood control hearing ngayong Huwebes, Setyembre 18.
Una kasing sinabi ni Curlee na may sakit sa puso si Sarah, pero ayon sa sulat ni Sarah kay Committee Chairman Sen. Ping Lacson, nasa isang meeting siya.
Dahil dito, binatikos siya ni Sen. Erwin Tulfo at padadalhan naman ng show cause order si Sarah dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig. | BChannel NEWS