Arestado ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang isang 40-anyos na lalaki sa Batangas matapos magbanta na bobombahin ang mismong headquarters ng ACG.
Kinilala ang suspek bilang si “Harvey,” na inaresto noong September 10 sa bisa ng warrant mula sa Batangas City Regional Trial Court.
Ayon kay ACG chief Brigadier General Bernard Yang, nagmula ang banta noong March 4 sa isang online messaging app.
Lumabas sa imbestigasyon na tatlong magkakaibang social media accounts ang ginamit ng suspek para makaiwas sa awtoridad, pero tuluyan pa rin siyang natunton.
Dagdag ni Yang, posibleng sinubok lamang ng lalaki ang kakayahan ng ACG, lalo’t kilala rin itong palaaway at minsan ay nanghabol pa ng tao gamit ang kutsilyo.
Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang suspek at nahaharap sa kasong kaugnay ng cybercrime at pagpapalabas ng bomb threat. | BChannel NEWS