Isang 33 taong gulang na lalaki ang nasawi matapos malunod at mahulog sa ilog ng Brgy. Cahil, City of Calaca Batangas noong hapon ng Setyembre 23, bandang 4:45.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Calaca City Police, si Ryan ay sakay ng kanyang motorsiklo nang subukang tumawid sa ilog. Sa kasamaang palad, bumulusok siya sa mabilis na agos ng tubig kasama ang kanyang motorsiklo.
Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa pampang ng ilog at dinala sa isang punerarya sa Lemery, Batangas.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Calaca City Police sa insidente. | BChannel news