Isang 46-anyos na jeepney driver ang patay sa pamamaril sa P. Torres Street, Barangay 6 sa Lipa City Batangas bandang alas-tres y medya ng hapon, Setyembre 29.
Ayon sa imbestigasyon Lipa City Police, nakaupo ang biktima na si Edwin sa passenger seat ng isang jeepney at gamit ang kanyang cellphone nang bigla itong pagbabarilin ng suspek.
Ang biktima, nagtamo ng tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad siyang dinala ng kanyang kasamahang drayber na si Joel sa Hospital, ngunit bandang alas-kwatro ng hapon, idineklara siyang dead on arrival.
Samantala, nakilala ang suspek na si Ramil, residente ng Barangay Tangob, Padre Garcia, Batangas, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sumakay ng tricycle ang suspek at Bumaba sa tapat ng La salle at sumakay dyip byahe batangas city.
Sa panayam ng BChannel news kay Batangas Police Provincial Office spokesperson na si PLTCOL ATTY. ALELI BUAQUEN, personal na alitan sa loob ng toda ang nakikitang motibo ng krimen.
Matapos ang mabilis na manhunt operation ng Lipa City Police katuwang ang iba’t ibang yunit ng Batangas PNP, natunton at naaresto ang suspek makalipas lamang ang tatlong oras sa Barangay Nangkaan, Mataasnakahoy.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Lipa City Police kaugnay sa naturang pamamaril. | BChannel news | 📸 Batangas Police Provincial Office