Isang working student ang nawalan ng motorsiklo matapos nakawin sa harap ng isang convenience store bandang alas-6 ng umaga nitong Oktubre a-2 , taong 2025, sa Sitio Bayabasan, Barangay Aga, Nasugbu, Batangas.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Nasugbu Municipal Police Station, ang biktima na kinilalang si Renzel, 20 anyos, iat residente rin ng Sitio Bayabasan, ay nag-park ng kaniyang puting motor sa parking lot ng convenience store dakong alas-10 ng gabi noong Oktubre a-1, habang naka-duty bilang cashier ng convenience store.
Pagsapit ng umaga, habang siya’y naghahanda upang linisin ang harapan ng tindahan, natuklasan niyang nawawala na ang kanyang motorsiklo.
Sinubukan pa umano ng biktima na hanapin ang motorsiklo sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media bago ito tuluyang iniulat sa Nasugbu MPS.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang suspek o mga suspek sa likod ng naturang insidente. | BChannel news