Good news!
Naglabas na ang Department of Budget and Management o DBM ng mahigit P783.28 million para sa 2023 Performance-Based Bonus ng mga miyembro ng Philippine Navy, Philippine Air Force, at National Intelligence Coordinating Agency o NICA.
Ayon sa DBM, mahigit P421 million ang inilaan para sa 25,821 personnel ng Philippine Navy, habang P342 million naman para sa 19,803 mula sa Air Force. Samantala, halos P18.8 million ang pondo para sa 896 empleyado ng NICA.
Ang matatanggap na bonus ay katumbas ng 48 hanggang 52 porsyento ng kanilang basic salary noong December 2023, depende sa performance rating.
Sabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang PBB ay hindi lang simpleng insentibo, kundi patunay ng pasasalamat ng pamahalaan sa mga sundalo at intelligence officers na buong tapang na naglilingkod sa bayan.