Arestado ng mga awtoridad ang isang 30-anyos lalaki, matapos umanong saksakin ang isang 24-anyos na lalaki sa Barangay San Ignacio sa Rosario Batangas nitong Linggo, November 2.
Sa imbestigasyon ng Rosario Police Station, nauwi umano sa mainit na pagtatalo ang dalawa. Sa gitna ng alitan, sinasabing bumunot ng patalim si Rafael at sinaksak si Ray, na ngayon ay kasalukuyang nagpapagamot dahil sa tinamong sugat.
Una raw nagkasundo ang magkabilang panig na ayusin ang gusot dahil magkapitbahay sila, pero kalaunan ay nagsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima matapos magkaalitan sa gastusin sa ospital.
Dahil dito, nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip kay Rafael sa Barangay Munting Tubig, Ibaan, Batangas.
Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. | BChannel news