Arestado ang isang High-Value Individual na si Sading sa isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Team ng Batangas City Police dakong alas-12:35 ng madaling araw, November 5, sa Brgy. Cuta, Batangas City.
Nasamsam sa operasyon ang sampung sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 90 gramo, na may halagang aabot sa P612,000, isang belt bag, mga marked money, at boodle money.
Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng koordinasyon ng PDEA at dokumentado gamit ang body-worn cameras.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang inihahanda laban sa suspek, na kasalukuyang nakakulong sa Batangas City Police Station.