Hinuli ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Tuy Municipal Police Station, kasabay ng koordinasyon sa PDEA, bandang 7:45 ng gabi, December 5, 2025 sa Barangay Luna sa Tuy, Batangas.
Nasamsam kay Arnel ang dalawang heat-sealed plastic na naglalaman ng tinatayang 0.20 gramo na pinaghihinalaang shabu, at isang P500 buy-bust money.
Ang operasyon ay naitala gamit ang dalawang recording device at ang inventory ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa lugar mismo, sa harap ng suspek, isang National Prosecution Representative at ng Barangay Councilor Niel T. Antonio.
Inihahanda na ang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa RA 9165 at kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng istasyon. | BChannel news