Inaabangan na ang muling pagbabalik ng Ala Eh! Festival sa Batangas ngayong Disyembre, kung saan binibigyang-buhay ang sining, kultura, at tradisyon ng lalawigan.
Mula ika-8 hanggang ika-13 ng Disyembre 2025, hinihikayat na magtipon-tipon ang mga Batangueño sa Batangas Provincial Capitol sa Batangas City para sa isang makulay na selebrasyon.
Ayon kay Governor Vilma Santos-Recto, ang festival ay isang paanyaya sa lahat na makiisa at magsaya sa biggest and grandest festival ng lalawigan.
Kasama sa mga aktibidad ang Eucharistic Celebration, Foundation Day Program, Trade Fair, Zumba sessions, Acoustic Challenge, Rock n’ Roll Battle, Choral Competition, Lechon Master, at Street Dance Parade.
Inaasahang dadagsain ito ng mga turista at Batangueno dahil sa iba’t ibang pakulo at supresa ng lalawigan.
Ang Ala Eh! Festival ay bahagi ng mga programang pang-kultura at turismo na unang inilunsad noong 2008 hanggang 2015 sa pamumuno ni Gov. Vilma Santos-Recto, at muling ipagdiriwang ngayon kaugnay ng ika-444 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Batangas.
Ito ay hindi lamang selebrasyon ng kasaysayan kundi ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa sariling kultura ng mga Batangueño. | BChannel news