Karumal-dumal na pagpatay ang sinapit ng isang lalaki matapos matagpuan ang katawan nito sa Taytay Memorial Garden Cemetery sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, umaga ng December 7, 2025.
Bandang 7:45 AM nang makatanggap ng tawag ang pulisya na may natagpuang katawan sa loob ng sementeryo.
Sa pagdating ng mga awtoridad, tumambad ang walang-buhay na katawan ng isang lalaking tinatayang nasa 40 hanggang 50 anyos, naka gray-red na shirt at black na shorts.
Base sa imbestigasyon, nakita ng saksi ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo habang ginagawa niya ang kanyang trabaho sa sementeryo. Napag-alamang may malalim na taga sa leeg ang biktima, at naputol ang kaliwang kamay nito.
Patuloy ang imbestigasyon ng Taytay MPS upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ng suspek na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala. | BChannel news