Arestado ng San Juan Municipal Police Station ang isang barangay tanod dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nangyari ang insidente noong December 10, 2025 sa Barangay Quipot, San Juan, Batangas.
Ayon sa Batangas Provincial Police Office, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na nag-report na may nagpapaputok ng baril sa lugar.
Agad rumesponde ang intel at patrol team at habang papalapit ay nakarinig sila ng isa pang putok. Doon nila nakita ang isang lalaking naka-jersey at gray shorts na may hawak na baril. Inutosan siyang huminto at agad siyang inaresto.
Nakuha mula sa suspek na si Jim ang isang 9mm Smith & Wesson na may dalawang live ammunition, at isang caliber .38 revolver na walang serial number na may dalawang bala.
Inihahanda na ng istasyon ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa Office of the Provincial Prosecutor sa Batangas City. | BChannel news