Isang 19-anyos na lalaking rider ang inaresto ng pulisya matapos umanong mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang intensified checkpoint operation ng San Luis Municipal Police Station noong Pebrero 9, sa Barangay Poblacion, San Luis, Batangas.
Kinilala ng Batanga Police Provincial Office ang suspek na si “Jojo,” binata, at residente ng Barangay Pansipit, Agoncillo, Batangas.
Ayon sa pulisya, pinara ang suspek habang sakay ng motorcycle dahil hindi ito nakasuot ng helmet.
Nang hingan ng driver’s license, aksidenteng nahulog mula sa bulsa ng suspek ang kanyang lisensya at isang pakete na hinihinalang marijuana. Agad siyang inaresto at ipinaalam ang kanyang mga karapatan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Luis Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa ilalim ng RA 9165. | BChannel news