Arestado ang isang delivery van driver matapos mahulihan ng ilegal na baril sa loob ng isang pribadong kumpanya sa Brgy. Salong, Calaca City, Batangas nitong Biyernes, March 6.
Kinilala ang suspek na si “Deloy,” residente ng Ivisan, Capiz, na naharang ng security guard habang sumasailalim sa routine inspection pagpasok sa compound ng kumpanya kung saan siya magde-deliver sana ng scrap metal.
Sa body frisking, nadiskubre sa kanya ang isang Colt .45 caliber pistol na may dalawang magazine at mga bala.
Agad siyang pinigilan ng security guard at ipinagbigay-alam sa pulisya ng Calaca City Police Station na siyang rumesponde at umaresto sa suspek.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na baril upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad. | BChannel News